Wednesday, April 11, 2012

Ruby Liza Magalong: Paglalahad

Ako si Ruby Liza Magalong mula sa isang pamilya sa Subic. Ang aming nanay na lamang ang sumusuporta sa aming pamilya, simula ng pumanaw ang aking ama. Wala ng naging regular na trabaho ang aming nanay at kadalasang sumaside-line at paraket-raket nalang siya upang kumita.

Noong ako ay nasa ikatlong taon sa hayskul ay nagsimula na akong magtrabaho dahil narin sa pinansyal na pangangailangan ng aming pamilya. Ako ang panganay kaya sa akin umaasa ang aking nanay na makatulong sa amin. Ang aking mga naging trabaho ay paggupit ng mga disenyo at paglinis ng mga krus sa mga rosaryo, pagbebenta ng tuwalya, pagbabantay ng eatery at ang huli ay ang pagiging kahera sa isang carwash. Hindi ako ang naghahahanap ng trabaho, kinukuha lamang ako ng kakilala ni nanay dahil alam nilang kailangan ko nga ng trabaho. Kailan lamang sa aking ikalawang semestre sa kolehiyo ay nakakuha akong scholarship mula sa kapitolyo dahil narin kasapi ang aking ina sa solo parent organization, kaya akinmunang ipinagpaliban ang pagtatrabaho para makapagpokus sa aking pag-aaral.

Gusto na hindi ko ang pagtatrabaho. Gusto upang makatulong at hindi dahil minsan ay madaming kelangang gawin. Hiyang na hiyang naman ako sa pagtatrabaho at sa pagpupuyat, ramdam ko ay mas lumulusog pa ako at madalang naman ang pagkakasakit ko. Ang aking kita ay sapat lamang saaking pag-aaral. Para sa akin ang mga adbentahe ng pagiging isang working student ay natututo kangmakapagsarili at nakakatulong ka pa sa iyong pamilya, ang pagkahati naman ng oras na dapat ay sa pag-aaral ko na lamang itinutuon ang isa sa mga disadbentahe ng pagiging isang working student.

Ako ay nag-aaral sa umaga at nagtatrabaho sa gabi hanggang madaling araw. Noong ako ay nasakarinderya ay talagang pagsisilbi lamang dapat ang aking trabaho hanggang mauwi narin sa pagluluto,minsan pa nga ay nakuryente ako sa electric stove dahil hindi ako sanay, electric stove ang gamit dahildoon malapit ang karinderya na ito sa gasolinahan. Binigyan ako ng pagkakataon na kumita ng perakaya naisip ko na magtinda ng mga makakain at kape para sa mga drayber na kadalasang pumapasadang madaling araw. Minsan ay naubusan ako ng pansahog, at nakukuha ko pang pumunta ng palengke ngnapakaaga para lamang mamili.

Sa carwash naman ay naging kahera ako.Ako man ay napalibutan ng mga kabataang mas pinili ang pagtatrabaho kaysa mag-aral dahilnarin sa nasubukan ng humawak ng pera, ay patuloy paring nananaig sa akin ang naisin kongmakapagtapos ng kolehiyo para makahanap ng mas maayos na trabaho at upang lalong makatulong sa aking pamilya. Minsan ay nagkakaroon ako ng pagtatampo sa aking nanay dahil parang hindi nito ikinalulugod ang aking mga paghihirap na dinaranas pero naliwanagan ako na mas masakit para sa aking nanay na hindi mapag-aral ang kanyang mga anak lalo pa ang makita silang nagtatrabaho dahil siya mismo ay hindi na kayang masustentuhan ang kanilang mga pangangailangan.

No comments:

Post a Comment